Mga setting ng still na camera
Upang i-adjust ang mga setting ng still camera
1
I-aktibo ang camera.
2
Upang ipakita ang lahat ng setting, tapikin ang .
3
Piliin ang setting na gusto mong i-adjust, pagkatapos ay mag-edit hangga't nais.
Pangkalahatang-ideya ng mga setting ng still camera
Resolution
Pagpilian ang ilang resolution at aspect ratio bago kumuha ng larawan. Ang isang
larawang may mas mataas na resolution ay nangangailangan ng mas malaking memory.
13MP
4128×3096(4:3)
13 megapixel na resolution na may 4:3 na aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong
tingnan sa mga display na hindi widescreen o i-print sa mataas na resolution.
9MP
3920×2204(16:9)
9 megapixel na resolution na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga display na widescreen.
8MP
3264×2448(4:3)
8 megapixel na resolution na may 4:3 na aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan
sa mga display na hindi widescreen o i-print sa mataas na resolution.
8MP
3840×2160(16:9)
8 megapixel na resolution na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga display widescreen.
3MP
2048×1536(4:3)
3 megapixel na resolution na may 4:3 na aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto mong tingnan
sa mga display na hindi widescreen o i-print sa mataas na resolution.
2MP
1920×1080(16:9)
2 megapixel na resolution na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawang gusto mong tingnan sa
mga display na widescreen.
VGA
640×480(4:3)
VGA format na may 4:3 na aspect ratio.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode ng pagkuha.
Mode ng pag-focus
Kinokontrol ng focus function kung aling parte ng larawan ang dapat maging malinaw.
Kapag naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus, patuloy na i-a-adjust ng camera ang focus
upang manatiling malinaw ang bahaging nasa loob ng may kulay na frame ng focus.
Isang autofocus
Awtomatikong nagfo-focus ang camera sa napiling paksa. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus. I-touch at
tagalan ang screen ng camera hanggang sa maging asul ang dilaw na frame sa pag-focus, na nagsasaad na
naka-set ang focus. Makukuha ang larawan kapag iniangat mo ang iyong daliri.
Deteksyon ng mukha
Awtomatikong nakakakita ang camera ng hanggang limang mukha ng tao, na isinasaad ng mga frame sa
screen. Awtomatikong nagpo-focus ang camera sa pinakamalapit na mukha. Mapipili mo rin kung sa aling
mukha magpo-focus sa pamamagitan ng pagtapik dito sa screen. Kapag tinapik mo ang screen ng camera,
ipapakita ng asul na frame kung aling mukha ang pinili at naka-focus. Hindi magagamit ang pag-detect ng
mukha para sa lahat ng uri ng eksena. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus.
Touch focus
I-touch ang isang partikular na bahagi ng screen ng camera upang i-set ang bahaging ipo-focus. Naka-off
ang tuluy-tuloy na autofocus. I-touch at tagalan ang screen ng camera hanggang sa maging asul ang dilaw
111
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
na frame sa pag-focus, na nagsasaad na naka-set ang focus. Makukuha ang larawan kapag iniangat mo ang
iyong daliri.
Pagsubaybay sa object
Kapag pinili mo ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-touch dito sa viewfinder, susundan ito ng camera
para sa iyo.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode ng pagkuha.
Self-timer
Gamit ang self-timer, maaari kang kumuha ng larawan nang hindi hinahawakan ang
device. Gamitin ang function na ito upang kumuha ng mga self-portrait, o panggrupong
larawan kung saan maaaring nasa larawan ang lahat. Magagamit mo rin ang self-timer
upang maiwasan ang pag-alog ng camera habang kumukuha ng mga larawan.
10 seg.
Magtakda ng 10-segundong pagkaantala simula sa pagpindot mo sa button ng shutter hanggang sa makuha
ang larawan.
2 seg.
Magtakda ng 2-segundong pagkaantala simula sa pagpindot mo sa button ng shutter hanggang sa makuha
ang larawan.
0.5 seg.
Magtakda ng kalahating segundong pagkaantala simula sa pagpindot mo sa button ng shutter hanggang sa
makuha ang larawan.
I-off
Makukuha ang larawan kapag pinindot mo ang button ng shutter.
Smile Shutter™
Gamitin ang function na Smile Shutter™ bago kumuha ng larawan upang matukoy kung
sa anong uri ng ngiti gagana ang camera.
HDR
Gamitin ang setting ng HDR (High Dynamic Range) upang kumuha ng larawan sa
matinding back light o sa mga kundisyon kung saan sharp ang contrast. Tinutumbasan
ng HDR ang nawawalang detalye at nagbibigay ng litratong kinatawan ng parehong
madilim at maliwanag na mga lugar.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode sa pagkuha.
ISO
Maaaring itakda ang ISO sensitivity upang awtomatikong ma-adjust, o maaari itong
ayusin patungo sa mga setting ng sensitivity mula 100 hanggang 3200.
Available lang ang setting na ito sa mode ng pagkuha na
Manu-mano.
Metering
Awtomatikong tinutukoy ng function na ito ang isang balanseng exposure sa
pamamagitan ng pagsukat sa dami ng liwanag na tumatama sa subject na gusto mong
kunan.
Gitna
Sinusukat ang exposure batay sa liwanag ng gitna ng subject.
Spot
Ina-adjust ang exposure sa isang maliit na bahagi ng subject na gusto mong kunan.
Katamtaman
Kinakalkula ang exposure batay sa dami ng ilaw na tumatama sa buong subject.
Available lang ang setting na ito sa mode ng pagkuha na
Manu-mano.
112
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Flash
Gamitin ang flash upang kumuha ng mga larawan kapag hindi maganda ang mga
kundisyon ng ilaw o kapag mayroong backlight. Available ang mga sumusunod na
opsyon kapag tinapik mo ang icon ng flash sa screen ng camera:
Auto
Awtomatikong tinutukoy ng camera kung nangangailangan ng paggamit ng flash ang mga kundisyon
ng ilaw.
Fill flash
Gamitin ang setting na ito kapag mas maliwanag ang background kaysa sa subject. Tinatanggal ng
setting na ito ang mga hindi kanais-nais na madidilim na anino.
Pambawas ng red-eye
Binabawasan ang mapulang kulay ng mata kapag kumukuha ng larawan.
I-off
Naka-off ang flash. Minsan, maaaring mas maganda ang kalidad ng larawan kapag walang flash, kahit
na madilim. Kailangang hindi gumagalaw ang kamay kapag kumukuha ng larawan nang hindi
gumagamit ng flash. Gamitin ang self-timer upang maiwasan ang malalabong larawan.
Torch
Patuloy na umiilaw ang flash habang kumukuha ng mga larawan.
Pagpili ng eksena
Gamitin ang feature na Pagpili ng eksena upang ma-set up nang mabilis ang camera
para sa mga karaniwang sitwasyon gamit ang mga paunang na-program na eksena.
Tumutukoy ang camera ng ilang setting para sa iyo upang umangkop sa napiling eksena,
kaya matitiyak ang pinakamagandang video na posible.
I-off
Naka-off ang feature na Pagpili ng eksena at makakakuha ka ng mga larawan nang manu-mano.
Soft skin
Kumuha ng mga larawan ng mga mukha gamit ang isang pinahusay na beauty effect.
Soft snap
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan sa soft na background.
Anti motion blur
Gamitin upang mabawasan ang pag-alog ng camera habang kinukunan ang isang medyo madilim na
eksena.
Landscape
Gamitin para sa mga landscape na larawan. Nagpo-focus sa malalayong bagay ang camera.
pagwawasto sa backlight na HDR
Gamitin upang pahusayin ang mga detalye sa mga kuhang may mataas na contrast. Sinusuri ng
naka-built in na pagwawasto ng backlight ang imahe at awtomatikong ina-adjust ito upang mabigyan
ka ng kuha na tamang-tama ang ilaw.
Portrait sa gabi
Gamitin para sa mga portrait na larawan na kinuha sa gabi o sa mga kapaligirang madilim. Dahil sa
matagal na oras ng exposure, dapat hawakan nang mabuti ang camera o ipatong sa nakapirming
lugar.
Eskena sa gabi
Gamitin kapag kumukuha ng mga larawan sa gabi o sa mga kapaligirang madilim. Dahil sa matagal
na oras ng exposure, dapat hawakan nang mabuti ang camera o ipatong sa nakapirming lugar.
Hand-held twilight
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan gamit ang kamay at sa madilim na lugar nang mas kaunti
ang noise at blur.
Mataas na sensitivity
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan nang walang flash kapag madilim. Binabawasan ang blur.
Gourmet
Gamitin para sa pagkuha ng makukulay na pagkain na nakaayos.
Alaga
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan ng iyong alaga. Binabawasan ang blur at mga red eye.
Beach
113
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Gamitin para sa pagkuha ng mga larawan ng mga eksena sa tabing-dagat o tabing-lawa.
Nyebe
Gamitin sa mga kapaligirang maliwanag para maiwasan ang mga overexposed na larawan.
Party
Gamitin para sa mga panloob na larawan sa madidilim na lugar. Nakakakuha ang eksenang ito ng
panloob na ilaw sa background o ilaw ng kandila. Dahil sa matagal na oras ng exposure, dapat
hawakan nang mabuti ang camera o ipatong sa nakapirming lugar.
Pampalakasan
Ginagamit para sa pagkuha ng larawan ng mga bagay na mabilis na gumagalaw. Binabawasan ng
maikling oras ng exposure ang pag-blur dahil sa pagkilos.
Dokumento
Gamitin para sa mga larawan ng teksto o mga guhit. Nagbibigay sa larawan ng mas mataas at mas
sharp na contrast.
Fireworks
Gamitin para sa pagkuha ng mga detalyadong larawan ng paputok.
Available lang ang setting na ito sa
Manu-mano na mode ng pagkuha.