Sony Xperia M4 Aqua - Mga setting ng Internet at MMS

background image

Mga setting ng Internet at MMS

Para makapagpadala ng mga multimedia message o ma-access ang Internet kapag

walang available na Wi-Fi network, mayroon ka dapat gumaganang koneksyon sa mobile

data na may mga tamang setting ng Internet at MMS (Multimedia Messaging Service).

Narito ang ilang tip:

Para sa karamihan ng mga mobile network at operator, ang mga setting ng Internet at

MMS ay pauna nang naka-install sa iyong device. Maaari mong simulang gamitin ang

Internet at magpadala kaagad ng mga multimedia message.

Posible ring i-download ang mga setting ng Internet at MMS sa ibang pagkakataon mula

sa menu ng Mga Setting.

Maaari kang manu-manong magdagdag, magbago o magtanggal ng mga setting ng

Internet at MMS sa iyong device anumang oras. Kung hindi mo sinasadyang mabago o

matanggal ang isang setting ng Internet o MMS, i-download muli ang mga setting ng

Internet at MMS.

Kung hindi mo ma-access ang Internet sa pamamagitan ng mobile network o kung hindi

gumagana ang multimedia messaging, kahit na na-download na nang matagumpay sa

iyong device ang mga setting ng Internet at MMS, sumangguni sa mga tip sa

troubleshooting sa iyong device sa

www.sonymobile.com/support/

para sa mga isyu sa

saklaw ng network, mobile data at MMS.

Kung naisaaktibo ang STAMINA mode para makatipid sa baterya, mapo-pause ang lahat ng

trapiko ng mobile data kapag naka-off ang screen. Kung magdudulot ito ng mga problema sa

koneksyon, subukang huwag isama sa mga ipo-pause ang ilang application at serbisyo, o

pansamantalang ideaktibo ang STAMINA mode. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang

Pamamahala sa baterya at power

sa pahinang 37.

Kung nagbabahagi ka ng device na may maraming user, ang may-ari o pangunahing user lang

ang makakapag-download ng mga setting ng Internet at messaging mula sa menu ng Mga

Setting, ngunit malalapat sa lahat ng user ang mga na-download na setting.

Upang i-download ang mga setting ng Internet at MMS

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Higit pa > Pag-download ng setting.

3

Tapikin ang

Tanggapin. Kapag matagumpay nang na-download ang mga setting,

lalabas ang sa status bar at awtomatikong mao-on ang trapiko ng mobile data.

Kung hindi ma-download sa iyong device ang mga setting, tingnan ang lakas ng signal ng

iyong mobile network. Lumipat sa isang bukas na lokasyon na walang mga balakid o lumapit

sa isang bintana at pagkatapos ay subukang muli.

48

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang manu-manong magdagdag ng mga setting ng Internet at MMS

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Higit pa > Mga mobile network.

3

Tapikin ang

Mga Access Point Name > .

4

Tapikin ang

Pangalan at magpasok ng gustong pangalan.

5

Tapikin ang

APN at ipasok ang pangalan ng access point.

6

Ipasok ang anumang iba pang impormasyong kinakailangan. Kung hindi mo alam

kung ano ang kinakailangang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong network

operator para sa higit pang mga detalye.

7

Kapag tapos ka na, tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang

I-save.

Upang tingnan ang mga na-download na mga setting ng Internet at MMS

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Higit pa > Mga mobile network.

3

Tapikin ang

Mga Access Point Name.

4

Upang tumingin pa ng mga detalye, tapikin ang alinman sa mga available na item.