Sony Xperia M4 Aqua - Lock ng screen

background image

Lock ng screen

sa pahina na 12.

Magdagdag ng account sa Google™ upang mapigilan ang iba sa paggamit ng iyong

device kung manakaw o mabura ito. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang

Bakit

kailangan ko ng Google™ account?

sa pahina na 10.

I-aktibo ang “Proteksyon ng my Xperia” o ang serbisyo sa web na Android™ Device

Manager. Gamit ang isa sa mga serbisyong ito, maaari mong malayuang mahanap, ma-

lock o ma-clear ang isang nawawalang device. Para sa higit pang impormasyon, tingnan

ang

Paghahanap ng nawawalang device

sa pahina na 19 .

Pagpapatotoo sa pagmamay-ari ng iyong device

Kinakailangan ng ilang feature ng proteksyon na i-unlock mo ang iyong screen gamit ang

iyong PIN, password, pattern, o ipasok ang impormasyon ng iyong account sa

Google™. Nasa ibaba ang mga halimbawa ng mga feature na pamproteksyon at ang

ilan sa mga kinakailangang kredensyal:

Proteksyon sa Pag-

reset sa Factory

Data

Dapat mong i-unlock ang iyong screen bago ka payagang magsagawa ng Pag-reset sa

Factory Data.

Proteksyon ng my

Xperia

Kung malayuan mong ire-reset ang iyong device gamit ang serbisyong ito, dapat kang

magpasok ng username at password para sa isang Google™ account na nauugnay sa

serbisyo. Nakakonekta dapat ang device sa Internet upang makumpleto ang proseso

ng pag-set up. Kung hindi, hindi mo magagamit ang iyong device pagkatapos ng pag-

reset.

Android™ Device

Manager

Kung malayuan mong ire-reset ang iyong device gamit ang serbisyong ito, dapat kang

magpasok ng username at password para sa isang Google™ account. Nakakonekta

dapat ang device sa Internet upang makumpleto ang proseso ng pag-set up. Kung

hindi, hindi mo magagamit ang iyong device pagkatapos ng pag-reset.

Pag-aayos ng

software

Kung gagamitin mo ang software na Xperia™ Companion upang magsagawa ng pag-

aayos ng software, hihilingin sa iyo na ipasok ang username at password ng iyong

Google™ account kapag binuksan mo ang device pagkatapos ng pag-aayos.

Para sa Android™ Device Manager, kinakailangang magpasok ng impormasyon mula sa isang

Google™ account. Maaaring gamitin ang anumang Google™ account na na-set up mo sa

device. Kung hindi mo maibibigay ang nauugnay na impormasyon ng account sa isang

proseso ng pag-set up, hindi mo talaga magagamit ang device.

Lock ng screen

May ilang available na opsyon ng lock ng screen. Ang antas ng seguridad ng bawat uri

ng lock ay nakalista sa ibaba sa ayos ng pinakamahina hanggang pinakamalakas:

Mag-swipe: walang proteksyon, ngunit mayroon kang mabilis na access sa Home

screen.

Pattern: gumuhit ng isang simpleng pattern gamit ang iyong daliri upang i-unlock ang

iyong device

PIN: magpasok ng numerong PIN na hindi bababa sa apat na digit upang i-unlock ang

iyong device

12

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Password: magpasok ng alpha-numeric na password upang i-unlock ang iyong device

Napakahalaga na naaalala mo ang pattern, PIN o password sa pag-unlock ng screen. Kapag

nalimutan mo ang impormasyong ito, maaaring hindi na posible na maibalik ang mahalagang

data gaya ng mga contact at mga mensahe.

Kung nag-set up ka ng Microsoft® Exchange ActiveSync® (EAS) account sa iyong Xperia™

device, ang mga setting ng seguridad ng EAS ay maaaring maglimita sa uri ng lock screen sa

isang PIN o password lang. Nangyayari ito kapag tinukoy ng iyong network administrator ang

isang uri ng lock screen para sa lahat ng EAS account para sa mga layuning panseguridad.

Makipag-ugnayan sa network administrator ng iyong kumpanya o organisasyon upang

tingnan kung anong mga patakarang panseguridad ng network ang ginagamit para sa mga

mobile device.

Upang baguhin ang uri ng lock ng screen

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > I-screen lock.

Upang gumawa ng pattern sa pag-lock ng screen

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > I-screen lock > Pattern.

3

Sundin ang mga tagubilin sa iyong device.

Kung tinanggihan ang iyong pattern sa pag-lock nang limang beses na sunud-sunod kapag

sinusubukan mong i-unlock ang iyong device, dapat kang maghintay ng 30 segundo bago mo

maaaring subukang muli.

Upang palitan ang pattern sa pag-lock ng screen

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > I-screen lock.

3

Iguhit ang iyong pattern sa pag-unlock ng screen.

4

Tapikin ang

Pattern at sundin ang mga tagubilin sa iyong device.

Upang gumawa ng PIN sa pag-lock ng screen

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > I-screen lock > PIN.

3

Maglagay ng numeric na PIN at tapikin ang

Magpatuloy.

4

Ilagay muli at kumpirmahin ang iyong PIN, pagkatapos ay tapikin ang

OK.

5

Sundin ang mga tagubilin sa iyong device.

Upang gumawa ng password para sa screen lock

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > I-screen lock > Password.

3

Maglagay ng isang password, pagkatapos ay tapikin ang

Magpatuloy.

4

Ilagay muli at kumpirmahin ang iyong password, pagkatapos ay tapikin ang

OK.

Upang i-aktibo ang function na Pa-swipe na pag-unlock

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Seguridad > I-screen lock.

3

Iguhit ang iyong pattern sa pag-unlock ng screen, o ipasok ang iyong PIN o

password kung pinagana ang isa sa mga uri ng lock ng screen na ito.

4

Tapikin ang

I-swipe.

Pagre-reset ng nakalimutang lock ng screen

Kung nakalimutan mo ang PIN, password o pattern na lock ng iyong screen, maaari

mong i-reset ito gamit ang serbisyong Proteksyon ng my Xperia. Walang mawawalang

nilalaman sa iyong device pagkatapos mong isagawa ang pag-reset ng lock ng screen

gamit ang serbisyong ito.
Upang isaaktibo ang serbisyong Proteksyon ng my Xperia, tingnan ang

Paghahanap ng

nawawalang device

sa pahinang 19.

13

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang i-reset ang lock ng screen gamit ang Proteksyon mula sa my Xperia

1

Tiyaking alam mo ang username at password ng account mo sa Google™ at na

na-enable mo ang serbisyong Proteksyon mula sa my Xperia sa iyong device.

2

Pumunta sa

myxperia.sonymobile.com

gamit ang anumang device na

nakakonekta sa Internet.

3

Mag-sign in gamit ang parehong account sa Google™ na na-set up mo sa iyong

device.

4

I-click ang larawan ng iyong device sa ilalim ng

Ang iyong mga device.

5

Piliin ang

I-lock o Palitan ang PIN2 upang palitan ang kasalukuyang lock ng

screen gamit ang isang bagong PIN code.

6

Sundin ang mga tagubilin sa screen na ibinigay ng Proteksyon mula sa my Xperia.

Depende sa mga setting na panseguridad, maaaring mag-lock ang iyong device pagkatapos

ng pag-reset ng lock ng screen. Kakailanganin mo namang ipasok ang username at password

ng account mo sa Google™ upang magamit ang device.